Latest News

SOFIA, PROUD UKAY-UKAY QUEEN

By: Beth Gelena

HILIG pala talaga ni Sofia Andres na gumamit ng rejected clothes na gawa ng mga designer.

Hindi niya ito kinahihiya dahil nanghihinayang siya kung itatapon lang dahil katwiran niya, gawa naman ‘yun ng mahuhusay na designers.


Sa kanilang Europe trip kamakailan habang nagsa-shopping ay nagbago ang kanyang isip, imbes na sa new design dress siya mamili ay pinili niyang sa Europe’s vintage shops pumunta — ang “ukay-ukay” version ng Europe.

Aniya: “Before, branded, branded, branded. It doesn’t really matter!”

Proud ang celebrity mom na maging “ukay” queen.


She is crushing on are those from the newly opened Mango store with a strong vintage “feels.”

“I like this,” aniya na nakasuot ng sa isang chocolate brown leather-jacket sa opening ng vintage store.


“And this one, the pants, it’s very vintage!” pagmamalaki niya.

“It’s actually how you style yourself – how you mix and match. It’s not always the branded stuff that’s amazing!” katwiran pa niya.


Tags: Sofia Andres

You May Also Like