Sofia Andres, naaliw sa PA applicants niya

By: Beth Gelena

NI BETH GELENA

SOBRANG ikinaaliw ni Sofia Andres ang mga nag-apply sa kanya na gustong maging personal assistant niya.


Nag-viral kasi sa socal media ang paghahanap niya ng bagong PA dahil sa nakakalokang requirements na hinahanap niya sa mga planong mag-apply.

Sa kanyang Instagram story mababasa ang post niya na: “Now hiring a Personal Assistant who can read my mind, organize my chaos, and remind me where I left my coffee (and my schedule).”

Marami raw agad nag-apply at ilan nga rito ay ipinost ni Sofia sa kanyang IG.


May netizen na nagsabing ang hinahanap daw niyang maging PA ay ang sikat na psychic na si Rudy Baldwin.

“Netizens suggest Rudy Baldwin to apply as personal assistant for Sofia Andres, as she is looking for someone who can read her mind: ‘C Baldwin ang dapat niyang e-hire. Hndi lang isip niya ang kayang e-predict, kundi ang buong Pilipinas. Charottttttt!’” say ng isang netizen.


Hirit ng isa: “Netizens Say Rudy Baldwin Is the Perfect PA for Sofia Andres: ‘Kaya I-predict Buong Pilipinas.’”

Ibinahagi rin niya ang screenshots ng mga natanggap niyang application letters.


“Your PA ProMax (10x Advance). Hi Sofia, I hope you’re doing well.
“Please find my resume attached for your consideration. Thank you for your time, and I look forward to hearing from you.”

Komento ni Sofia: “Send help (with laughing emojis).”

“Your PA/ka chismisan (pina-plano mo pa Ing nagawa ko na).”



Comment ni Sofia: “I think pasok ka na sa next round! (with laughing in tears emojis)”

Ayon naman sa isang aplikante, feeling niya ay super qualified siya sa hinahanap na PA ni Sofia.

Sabi nito: “Ako na lang pls. Mabilis po ako maglakad, keri ko kahit 20 steps ahead..Mind reading? easy. hindi problema yan, may third eye ako HAHAHAH emz!”

Ang tanging reaksyon ng aktres: “Amay!!!”

Tags: Sofia Andres

You May Also Like