Latest News

Snatcher, timbog sa sekyu

Hindi umubra sa takbuhan ang isang snatcher nang abutan ito ng humabol na security guard, matapos hablutin ang cellphone ng isang estudyante,kamakalawa ng gabi sa panulukan ng CM Recto at Matapang Street sa Quiapo, Maynila.

Binitbit sa Manila Police District-Police Station 14 ng security guard na si Ronald delos Santos, ang suspek na si Joy Hernandez, 42,l alaki at taga 883 Blue Water St., Sta Ana, Maynila.

Sa imbestigasyon ng MPD-PS 14,naganap ang insidente alas-9:30 ng gabi sa nabanggit na lugar habang papasakay ng jeep ang biktimang si Mar Ishi Dungo,20,babae, estudyante at resident ng 845 Old Sta Mesa St., Sta Mesa, nang hablutin ng suspek sa likuran ang cellphone ng biktima.


Nagsisigaw umano ang biktima ng “snatcher, snatcher” habang hinahabol ang suspek na nakatawag ng atensiyon ni Delos Santos at hinabol ang suspek sa direksiyon ng Nicanor Reyes Street.

Nang abutan ay kinapkapan ang suspek at nakuha sa bulsa nito ang cellphone ng biktima.

Nakatakda namang sampahan ng kasong robbery-snatching sa Manila Prosecutors Office ang suspek. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-Police Station 14

You May Also Like

Most Read