ARESTADO ang isang 18-anyos na snatcher matapos itong habulin at talunin sa takbuhan ng kanyang 16-anyos na biktimang binatilyo na kanyang inagawan ng cellphone kahapon ng madaling araw sa Lakandula Street corner R10 sa Barangay 39 sa Tondo, Maynila
Itinurn-over sa Manila Police District -Police Station 2ang suspek na si Lester Ramos,ng Bonifacio corner Maginoo Streets sa Barangay 105 , Tondo, Maynila.
Ayon sa reklamo ng biktimang si Ramon, estudyante, nakaupo siya sa harap ng kanilang bahay alas- 2:50 ng madaling araw nang hablutin ng suspek ang.kanyang cellphone na nagkakahalaga ng P5,700.
Hinabol umano ng biktima ang suspek habang humihingi ng tulong na nakakaagaw pansin sa mga nagro-rondang Barangay Tanod na tumulong sa paghabol hanggang ma -korner ang suspek.
Nabawi sa suspek ang cellphone ng biktima at nakuha din sa kanya ang isang kutsilyo na may habang six inches kasama ang handle.
Sinampahan ng kasong theft sa Manila Prosecutors Office ang suspek.