Arestado, ang isang 40-anyos na vendor matapos nitong nanghablot ng cellphone ng Isang empleyado at kalaunan ay makorner ng nagpapatrulyang pulis-Maynila na humabol sa kanya, kamakalawa ng umaga sa Banquero St.,Binondo,Maynila.
Sa Manila Police District – Special Mayor’s Reaction Team(MPD – SMaRT) bumagsak ang suspek na si Roberto Saniel,40, ng No. 24 Basan St.,Quiapo,Maynila.
Ayon kay SMaRT chief PMajor Edward Samonte, naglalakad ang biktimang si Renato Jamora,56 at taga 449 Burke St.,Sta.Cruz, Binondo, Maynila, nang lapitan ng suspek at hablutin ang hawak na cellphone na Samsung 5 Galaxy.
Tumakbo ang suspek sa may Jones bridge at hinabol naman ng biktima hanggang makita ang nagpapatrulyang sina Pat Joel Guarin at PSSg Dindo Liquiran nakasakay ng Mobile car at humingi ng tulong.
Hinabol ng mga pulis ang suspek hanggang sa makorner sa nabanggit na lugar at maaresto, habang nabawi naman ang cellphone ng biktima.
Sinampahan ng kasong robbery sa Manila Prosecutor’s Office ang suspek.














