Arestado ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Manila Police District -Police Station 14 ang isang snatcher matapos na magsisigaw at humabol ang isang estudyante na inagawan niya ng cellphone,kahapon ng umaga sa Legarda, Sampaloc, Maynila.
Nabawi ang cellphone na Samsung A52 S ng biktimang si Kerstin Arleigh Ungriano, estudyante ,21, at taga No. 1324 Room 201 Lardizabal St. Brgy. 409, Sampaloc, Maynila.
Nasa kustodiya naman ng MPD-PS10 ang suspek na si Christian Villegas, 26, construction worker.
Sa imbestigasyon ng MPD-PS 10, nakasakay ang biktima sa isang pampasaherong jeep nang agawin ng suspek ang kanyang ginagamit na cellphone, alas- 7:45 ng umaga sa nabanggit na. lugar.
Hindi naman pinanghinaan ng loob ang biktima na bumaba rin ng jeep at hinabol ang suspek habang sumisigaw at humihingi ng tulong.
Napansin naman ang komosyon ng. mga nagpapatrulyang tauhan ng MPD-PS10 at nakihabol rin ang mga ito, na nagresulta ng pagka-aresto sa suspek.
Sasampahan ng kasong robbery-snatching ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office.














