“‘Yung NAIA, ayaw na ayaw kong tawagin ng mga foreigner ‘yan na worst airport in the world kaya I want to make sure na kung pwede, ako na sana magkaroon ng pagkakataon na mag-rehabilitate nitong NAIA.”
‘Yan ang deklarasyong ginawa ng napaka-humble na business tycoon na si San Miguel Corporation President and COO Ramon S. Ang, mas kilala bilang si ‘RSA’, matapos na pormal na maiturn-over ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa New NAIA Infra Corp. (NNIC).
Sa pagpasok ng grupo ni RSA sa NAIA operations ay inaasahan ang pagganda at pag-ayos ng mga pasilidad sa mga pangunahing paliparan ng bansa para makahabol sa mga progresibong bansa maski man lamang sa Asia.
Ang takeover, na naganap sa ilalim ng Concession Agreement na pinirmahan sa pagitan ng national government at NNIC nitong March 2024, ay isinalarawan bilang isang “a milestone that marks a significant step forward in the government’s initiative to harness private sector expertise and mobilize private capital for infrastructure development.”
Hangad umano ni DOTr Secretary Jaime J. Bautista ang tagumpay ng NNIC sa pag-takeover ng operations ng NAIA. Dumalo sa turnover ceremony sina NNIC manager Lito Alvarez, MIAA general manager Eric Ines, Bautista at DOTr Usec Robert Lim.
“Today, we are finally doing what the government has wanted to do since the 1990s- to use public-private partnership (PPP) in enabling a private operator to manage the operations and maintenance of NAIA and make it truly world-class. We wish NNIC much success,” ani Bautista.
Sa kanyang banda ay tiniyak naman ni Ines ang buong suporta at kooperasyon sa NNIC na mula sa MIAA’.
Tiniyak naman ni Alvarez na ang “turnover of rehabilitation, operations and further development of NAIA to NNIC is expected to boost the airport capacity to meet growing demand by handlingmore flights and passengers, while improving service quality and compliance with International Civil Aviation Organization (ICAO) standards. ”
Ani Alvarez, ang NNIC ay maglalagak ng may P144 billion sa pag-manage ng NAIA sa ilalim ng 15-year concession na extendable nang 10 taon, “contingent on meeting key performance targets. ”
Samantala, ang pag-aari ng airport way mananatili umano sa gobyerno at sa pagtatapos ng concession period ay ibabalik umano ng NNIC sa gobyerno ang operations ng NAIA, kasama na ang lahat ng airport assets.
Kasama sa mga pagagandahin sa NAIA na maaring asahan ng mga pasahero at stakeholders ang pagpapalawak ng Passenger Terminal Buildings (PTBs), karagdagang aircraft parking bays, dagdag na parking slots para sa mga sasakyan, paglalagay ng world-class systems at technology, mas maraming food and beverage (F&B) at retail options, mas convenient na land transport connectivity at iba pa.
Inaasahan din daw na magkakaroon ng malaking kabawasan sa mga flight delays at cancellations samantalang malaki naman ang ikagaganda at ikaaayos ng airport facilities.
“The successful turnover highlights the commitment of all parties involved to enhance NAIA’s operational standards and service quality, benefiting both domestic and international travelers, ani Ines.
Ipinangangako ni RSA na gagawin ng kanyang team ang lahat para sa mabilis at magandang rehabilitasyon ng NAIA para kahit kelan ay hindi na ito matawag na ‘worst airport in the world’ na aniya ay hindi katanggap-tanggap sa kanya.
Sa katunayan, sinabi pa nito na bago ang Mahal na Araw sa susunod na taon ay siguradong kakaibang NAIA na ang mararanasan ng mga pasahero.
Sa uri ng reputasyon at pagkatao meron si RSA, siguradong gagawin nito lahat ng kanyang sinabi.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.














