Nasagip ang siyam na potensyal na biktima ng human trafficking sa Bonggao, Tawi-Tawi kasunod ng ikinasang operasyon ng Philippine Navy, katuwang ang Philippine National Police, Philippine Coast Guard at Local Government Unit.
Sa ulat ng Naval Forces Western Mindanao, ang mga naligtas ay kinabibilangan ng anim na babae at tatlong lalaki na lulan ng MV Magnolia Liliflora na naharang ng mga otoridad sa Bongao Pier, Brgy Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi.
Patungo sana ang mga ito sa Malaysia para sa ipinangakong trabaho nang walang kaukulang mga dokumento.
Sa isinagawang imbestigasyon, inihayag ng mga biktima na sila ay nakatakdang sunduin pagdating sa Malaysia ng isang alyas ‘Abdul’.
“NFWM remains resolute in combating human trafficking and ensuring the safety and well-being of potential victims, emphasizing the commitment to safeguarding vulnerable individuals from exploitation in the Western Mindanao region,” ayon kay LT. Chester Cabaltera, Acting Public Affairs Officer, Naval Forces Western Mindanao
Agad namang dinala sa Maritime Police Assistance Post sa Bongao Pier para sa profiling at dokumentasyon bago i-turn over sa Office of the Ministry of Social Welfare and Development Bonggao para sa counseling at stress debriefing. #














