Latest News

SIYAM NA KASAPI NG BIFF, SUMUKO

BITBIT ang kanilang mga sandata, siyam na kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nagpasyang sumuko sa pamahalaan sa bayan ng Midtimbang, Maguindanao nitong nakalipas na linggo.

Ayon sa bagong talagang Joint Task Force Central Commander, Maj. Gen. Roy Galido, ang siyam na Islamic terrorist ay nagsuko ng kanilang sandata kay Lt. Col. Samuel Nadala, Jr., commanding officer ng 2nd Mechanized Infantry Battalion at Mayor Datu Tungkang Midtimbang sa batallion headquarters sa Barangay Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, ng nasabing lalawigan.


Kasamang isinuko ng mga rebelde ang tig-isang M16 rifle, M14 rifle, M1 Garand rifle, M79 Grenade Launcher, locally-made cal. 50 sniper rifle at cal. 45 pistol.

Kasalukuyang sumasailalim sa medical at custodial debriefing ang mga dating rebelde.

Nabatid na mula Enero ay umaabot na sa 146 miyembro ng BIFF ang nagbalik loob sa pamahalaan. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)

You May Also Like