Latest News

SIYAM KATAO, PATAY SA INFLUENZA-LIKE ILLNESSES NGAYONG 2024

By: Anthony Quindoy

Umabot sa siyam na katao ang iniulat ng Department of Health (DOH) na nasawi dahil sa influenza-like illnesses (ILI) ngayong 2024.

Sa inilabas na datos ng DOH, napag-alaman na simula Enero 1 hanggang Pebrero 3 lamang ay nakapagtala sila ng kabuuang 16,155 ILI cases.

Sinabi ng DOH na ito ay 19% na mas mababa kumpara sa 19,935 kaso na naitala nila sa kahalintulad na panahon noong 2023.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Tayag, ang mga naitalang ILIs ay maaaring influenza type A o type B, o di kaya ay COVID-19.

Samantala, sinabi naman ng DOH na sa ngayon ay nakikitaan na nila ng downward trend o pagbaba ng mga kaso ang ILIs at COVID-19 cases.

Inaasahan rin umano nilang pagsapit ng Marso ay magkakaroon na ng pag-plateau ang kaso ang kaso ng mga ito.

Tiniyak naman ng DOH na patuloy pa rin nilang minu-monitor ang mga naturang karamdaman.

Tags:

You May Also Like

Most Read