Sitwasyon ng mga Pinoy sa Nepal, mahigpit na mino-monitor ng Embahada ng New Delhi-DFA

By: Tony Gildo

Mahigpit na mino-monitor ng Philippine Embassy sa New Delhi at ng Consulate general ng Kathmandu, Nepal na matinding tinamaan ng malalaking pagbaha kahapon ng umaga, ang sitwasyon ng mga Pilipino doon.


Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakikipag-ugnayan na ang embahada at consulate-general sa Nepali authorities upang matukoy kung may mga apektadong mamamayang Pilipino.

Nakahanda din umano ang embahada at konsulado na magbigay ng agarang tulong at emergency rescue sa mga posibleng apektado ng pagbaha.

Maaring makipag-ugnayan ang mga Filipino na apektado ng mga pagbaha sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa New Delhi at tawagan ang mga linya ng telepono ng konsulado na +91 9220405387, habang 919910797014 naman para sa whats app at Viber.


Tags: Philippine Embassy

You May Also Like

Latest News