Latest News

SITG, BINUO PARA TUTUKAN ANG PAMAMARIL SA PAMILYA NG PHOTOJOURNALIST

By: Victor Baldemor Ruiz

AGAD na inataan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at Quezon City Police District (QCPD) na tutukan ang ang nangyaring pamamaril sa photographer ng pahayagang Remate na si Joshua Abiad kamakalawa.

Inihayag ni PBGen. Red Maranan PNP Public Information Office Chief na siya ring focal person ng Presidential Task Force on Media Security, na agad ding itinatag ng mga awtoridad ang Special Investigation Task Group (SITG) Abiad upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pamamaril sa photojournalist na ikinasugat ng kanyang tatlong pamangkin na nasa kritikal na kondisyon at isang bystander .


Layunin ng SITG na busisiin ang lahat ng mga ebidensya at testimonya ng mga saksi, mga kaanak at katrabaho nito upang matukoy ang motibo sa likod ng pananambang.

Sinasabing si Abiad ay madalas na tumatayong testigo sa mga anti drug operation ng mga awtoridad at tumatayong witness sa mga ginagawang imbentaryo sa mga drogang nasamsam sa drug operation.

Tiniyak rin ng PNP na makakamit ng mga biktima ang hustisya at papanagutin ang mastermind o mga sangkot sa krimen.


Matatandaang Huwebes pinagbabaril ng apat na hindi pa tukoy na mga salarin ang biktimang sina Rene Joshua Abiad, 37 photojournalist ng pahayagang Remate ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan.

Renato Abiad, 41; Jeffrey Cao, 47 anyos na bystander at talong pamangkin na may edad na apat isang PWD at umanoy nasa kritikal na kalagayan isang anim at walong taong gulang na bata.


Nabatid na si Abiad at pito niyang kamag anak ay sakay ng kanilang kulay silver na SUV na Ford Everest at papasok na sana sa kanilang bahay ng tambangan ng apat na kalalakihan sa Corumi Street malapit sa kanto ng Gazan Street sa Barangay Masambong bandang alas 3:50 kamakalawa ng hapon.

Pagkatapos ay sumakay sa kulay silver na Toyota Vios tumakas patungong Del Monte Avenue QC ang tatlong suspek kung saan naispatan din sa CCTV footage na mayruong back up na motorsiklo ang mga salarin.


Tags: Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr.

You May Also Like