Site engineer, natagpuang patay sa hotel

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang “site engineer” sa tinutuluyan nitong hotel, kamakalawa ng umaga sa Piy Margal St., Sampaloc, Maynila.

Nahirapan na makuha ang bangkay ni John Cris Tamayo,30,tubong Tabtabangan Espiritu, Banna,Ilocos Norte dahil nakaharang ang katawan nito sa pintuan.


Ayon sa imbestigasyon ni PSSg John Paul Roj ng Manila Police District-homicide section,ala-1 ng hapon nang makumpirma na patay na ang biktima.

Una umanong tinawagan ang biktima sa kanyang kuwarto sa Rm 4E Red Doorz Hotel sa nabanggit na lugar alas-8 ng umaga pero hindi ito sumagot.

Inakala umano ng hotel staff na natutulog lamang ang biktima kaya binalikan na lamang ito ng ala- 1 ng hapon.


Hindi pa rin sumasagot ang biktima at sa pangambang may nangyari na di maganda kaya humingi sila ng tulong sa barangay at sa pamamagitan ng duplicate key ay nabuksan ang kuwarto at dito nakitang wala nang buhay ang biktima.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like