Latest News

Sis ni Vergeire, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID 19 si Supreme Court Associate Justice Maria Filomena D. Singh, kapatid ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ito ang kinumpirma ng SC kung saan nakumpirma na positibo si Singh sa impeksiyon sa isinagawang pagsusuri noong Hunyo 15.


Nabatid na si Singh ay fully vaccinated at nakatanggap na ng kanyang booster shot ay nagpakita ng mild symptoms.

Nanawagan si Singh sa lahat ng mga nakasalamuha niyang Mahistrado at SC na magpasuri para malaman kung positibo rin sa COVID19.

Nalaman na nag self quarantine na kanyang mga nakasamang mahistrado sa mga isinagawang deliberasyon, at nakasama sa En Banc session noong Hunyo 14.


Hanggang sa kasalukuyan, wala pa naman nakikitang sintomas sa mga nakahalubilo ni Singh.

Naka isolation na ai Singh ,alinsunod sa guidelines ng IATF.


Nalaman na ang SC ay nagkakaloob ng lingguhang antigen COVID-19 testing para sa kanilang opisyal at empleyado. (Philip Reyes)


Tags: Supreme Court Associate Justice Maria Filomena D. Singh

You May Also Like