Latest News

Mahigpit na nagyakap sina Mayor Honey Lacuna at Angeline Quinto matapos ipakilala ng mang-aawit ang alkalde. Bago niyan ay ibinahagi ni Quinto kung bakit si Lacuna ang kanyang sinusuportahang kandidato para mayor sa darating na halalan sa Mayo.

SINSERIDAD AT ALAGA NG ISANG INA, KAILANGAN NG MAYNILA— ANGELINE QUINTO

By: Jerry S. Tan

“Sa maikling panahong nakasama ko po ang isang Mayor Honey Lacuna, isang bagay na talagang hinangaan ko sa kanya ay ang sinseridad ng kanyang puso… Ang tanging naramdaman ko po ay isa lang. Siya ay isang nanay na gagawin ang lahat para sa kanyang mga anak.”

Sa ganitong pagsasalarawan, pormal na inendoso ng sikat na mang-aawit na si Angeline Quinto ang kandidatura ni reelectionist Manila Mayor Honey Lacuna, kasabay ng pagdeklara kung gaano niya ipinagmamalaki ang alkalde.

“Kaya gaya ng pagsuporta ko at ng aking buong pamilya, sa lahat ng kapwa ko Manilenyo, narito ang kauna-unahang babaeng mayor, ang ina ng ating lungsod, number 5 (sa balota), Dra. Mayor Honey Lacuna!” ani Quinto nang ipakilala na si Lacuna.


Sa kanyang talumpati sa proclamation rally ng Asenso Manileño sa Earnshaw Street sa harap ng Loreto Church, sinabi ni Lacuna na saksi ang Diyos at mga taga-Maynila ay ipagpapatuloy nila ang pagbibigay ng “Tapat at Tototo” na uri ng serbisyo na nakabatay sa mabuting prinsipyo, mabuting pagkatao at dangal.

Madamdaming inawit ni Quinto ang pinasikat na kantang ‘Patuloy ang Pangarap’ matapos hilingin sa mga taga-Maynila na suportahan si Lacuna gaya ng gagawin niya sampu ng kanyang buong pamilya.


Ang nasabing awit ay lapat sa pangarap ni Lacuna na isang “Magnificent Manila in 2030,” kungs saan nakapagtatag siya ng maraming essential social services programs sa lungsod sa kabila ng pagbabayad ng P100 million kada buwan para lamang bayaran unti-unti ang iniwang P17.8 billion na utang ng administrasyon ni Isko Moreno.

Sa gitna ng pag-awit ay pansamantalang tumigil si Quinto upang hilingin sa mga tao na hayaan siyang ibahagi ang dahilan kung bakit niya sinusuportahan si Lacuna para sa ikalawang termino bilang mayor.


Ani Quinto, ipinagmamalaki niya na isa siyang ‘Anak ng Maynila,” at aniya: “Alam nyo po, sa totoo lang, masayang-masaya po ako at talagang ipinagmamalaki ko po na sa nakaraang tatlong taon ay nagkaroon po tayo ng isang ina na talagang mapagmahal at totoong-totoo.”

Si Quinto ay residentg ng Sampaloc, kung saan inumpisahan ni Lacuna ang kanyang karera bilang doktor sa Maynila at kalaunan, ang kanyang political career bilang konsehal noong 2004. Tinapos niya ang tatlong termino bago naging social welfare officer, Vice Mayor sa loob ng dalawang termino at ngayon ay alkalde. Siya ang kauna-unahang babae na humawak ng dalawang pinakamataas na posisyon sa lungsod mg Maynila.

Tags: Angeline Quinto, Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read