Nagsagawa ng Simulation Exercise ngayong Biyernes ,Pebrero 10,2023, ang PNP Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) kaugnay sa naiwang bagahe ng isang pasahero sa NAIA terminal -3.
Ginawa ang simulation exercise upang matiyak kung gaano kabilis rumesponde ang mga personnel ng PNP-AVSEGROUP sa tuwing may naiiwang bagahe ang mga pasahero sa mga lugar na sakop ng NAIA.
Ito’y upang tiyakin din na ligtas ang paliparan at ang bawat indibidwal sa loob at labas ng NAIA.
Ang senaryo ay may naiwan ang isang pasahero na maliit na bag sa arrival curbside sa bay 3 at 4 sa NAIA terminal 3.
Agad naman itong napansin ng mga otoridad sa paliparan at nilapitan ng Explosive Ordinance Disposal Unit (EOD)/ K9 group para ma-detect kung ang mga naiwang gamit ay ligtas mula sa anumang uri ng pampasabog.
Idineklarang clear o ligtas ang bag nang hindi umupo ang K9 at nakita sa nilalaman ng bag ang sapatos,damit at toiletries. (JERRY S. TAN)