Latest News

SIMULA NA NG PAGSUSUMITE NG APLIKASYON PARA SA GUN BAN EXEMPTION

By: Victor Baldemor Ruiz

Pinasimulan na ngayong Lunes ng Commission on Election ang paghahain ng application para gun ban exemption kaugnay sa gaganaping May 2025 Midterm Elections.

Ayon sa COMELEC, lahat ng exempted sa gun ban ay kailangang mag-apply para mabigyan ng certificate of authority na gagamitin upang payagan ang isang awtorisadong indibidwal na magdala ng baril sa panahon ng eleksyon na magsisimula sa Enero 12 hanggang Mayo 28, 2025.


Nilinaw naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ang mga awtomatikong exempted na sa gun ban ay hindi na kailangang mag-apply pa, katulad ng presidente, bise-presidente, mga senador at kongresista, mga miyembro ng gabinete, mga piskal, NBI agents at iba pang mga agarang hindi na kasama sa application.

Tiniyak rin nito na kapag nagpasa ng kumpletong dokumento ay mabilis din na maaaprubahan ang kanilang aplikasyon.

Posibleng isang linggo lamang ay maaari nang matapos ang proseso nito.


Ang sinumang lalabag sa gun ban sa panahon ng eleksyon ay makakasuhan ng election offense at maaaring maharap sa mabigat na kaparusahan

Sa kapangyarihan ng COMELEC ay kinakansela lahat ang permit to carry firearms outside residence tuwing election period lalo na sa mga sibilyan at tanging mga uniformed personnel lamang ang awtorisadong magbitbit ng baril .


Kaugnay nito ay mahigpit na magpapatupad ng COMELEC-PNP-AFP checkpoints sa mga estratehikong lugar.


Tags: Commission on Election

You May Also Like