Latest News

SIMBAHAN, TINUTULAN ANG COMMERCIAL FISHING SA 15 KILOMETRO MUNICIPAL FISHING ZONE

By: Carl Angelo

NAGPAHAYAG ng pagtutol ang mga opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa ginawang pagpayag ng Supreme Court (SC) na maging commercial fishing ang 15-kilometro na municipal fishing zone.

Iginiit ng CBCP na malaki ang magiging epekto nito sa kabuhayan ng mahigit 2.3 milyon small-scale fishers at sa kapaligiran.

Sa ginanap na 129th CBCP Plenary Assembly, mahigit sa 40 bishops ,ang lumagda sa isang pastoral letter na nagpapahayag sa matinding pagtutol sa naturang desisyon ng SC.


Ang naturang pastoral letter ay babasahin sa mga banal na misang isasagawa nationwide sa Pebrero 2,2025.

Nanawagan rin sa publiko ang naturang pastoral letter ng suporta para sa kabuhayan ng mga mangingisda at proteksiyon ng karagatan.


Tags: Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)

You May Also Like

Most Read