Latest News

SIMBAHAN, NANAWAGAN SA MGA PULITIKO NA ITIGIL ANG BANGAYAN, ISANTABI ANG PULITIKA

By: Baby Cuevas

SA gitna ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng matataas na opisyal ng bansa, nanawagan si Ozamis Archbishop Martin Jumoad sa mga lider ng pamahalaan na itigil na ang labis na pulitika at sa halip ay ituon ang kanilang atensyon sa paglilingkod sa taumbayan.

Hinimok rin ni Jumoad ang mga opisyal na gampanan ang kanilang tungkulin nang may dignidad at integridad upang maabot ang tunay na pag-unlad ng bansa.

“Set aside politics. Let them focus on the office the people have elected them. Do not destroy the honor and integrity of others so that this nation will progress,” ayon pa kay Jumoad.


Binigyang-diin ng arsobispo na ang yaman ng bansa ay nararapat gamitin para sa kapakanan ng mga mahihirap, nang walang hinihintay na kapalit o pansariling interes.

“Use the resources of our country to help the poor and when you help , it must have no strings attached,” pahayag pa nito.


Nagpahayag din ng pagkabahala ang arsobispo sa direksyon ng ilang usaping pulitikal sa bansa.

Giit niya, dapat igalang ng bawat-isa ang mandato ng mga halal na opisyal at ibuhos ang kanilang panahon at lakas sa pagtugon sa mga suliranin ng bayan, tulad ng kahirapan, kawalan ng trabaho at iba pang pangunahing isyu.


Tags: Ozamis Archbishop Martin Jumoad

You May Also Like

Most Read