Simbahan, mananawagan ng donasyon

Mananawagan ng donasyon sa publiko ang simbahang Katoliko sa pamamagitan nang pagdaraos ng special telethon para sa mga biktima ng bagyong Paeng.

Pangungunahan ng Caritas Manila at Radio Veritas, ngayon Lunes,Nobyembre 7 upang palakasin pa ang kanilang pagsusumikap nilang matulungan ang mga kababayan nating nabiktima ng bagyong Paeng kamakailan.


Gaganapin umano mula alas-7 ng umaga hanggang alas-2ng hapon sa himpapawid ng Radio Veritas 846 khz habang ipagpapatuloy naman ito online sa Facebook page na DZRV 846 at Caritas Manila Inc. mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.

Nabatid na pangungunahan ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual ang isasagawang telethon, kung saan mapapakinggan at mapapapanood din ang mga kinatawan ng iba’t-ibang Diyosesis ng naapektuhan ng bagyo.

Ang lahat ng makakalap na donasyon sa nasabing telethon ay ibubuhos para sa mas malawak na pagtugon ng Caritas Manila sa relief and recovery programs sa mga apektadong lalawigan.


Maari umanong tumawag sa Caritas Manila hotline number 8562 4269 o sa mobile number na 0905 428 5001 at 0967 276 4806,ang sinuman gustong magpaabot ng tulong.

Samantala,.na umabot sa mahigit P1.7 milyon na ang paunang tulong ng social arm ng Archdiocese of Manila para sa may anim na Diyosesis o pitong lalawigan na pinaka-naapektuhan ng bagyong Paeng. (Jaymel Manuel)


Tags: Caritas Manila at Radio Veritas

You May Also Like