Dismayado si Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa panibagong pagtataas ng singil sa kuryente ng mga konsyumer sa National Capital Region (NCR) at iba pang karatig- lalawigan.
Sinabi ni Ongtioco na hindi makatarungan na sisingilin sa mga consumer ang generation cost ng Manila Electric Company (MERALCO) noong taong 2013.
“How can they operate & pay their own people kung ang pautang ay napakalaki? Malaki siguro ang kita ng MERALCO pati na ang mga supplier nito, how can both operate with a huge amount of pautang? And for many years? Hindi pa pumapasok dito mga consumers,” pahayag ni Ongtioco.
Gayunman,umaasa pa rin ang Obispo na magkakaroon ng paraan para Ipanalanging malutas ang panibagong pasanin ng mamamayan na dumaranas ng kahirapan dahil sa napakataas na presyo ng mga bilihin. (Jaymel Manuel)














