Latest News

SIKSIKAN SA PAMPUBLIKONG SASAKYAN, NAKABABAHALA — DOH

NABABAHALA umano ang Department of Health (DOH) sa posibleng paglagpas sa ipinatutupad na ‘full capacity’ ngayong Alert Level 1 sa mga pampublikong sasakyan na maaari umanong maging dahilan ng muling pagkalat ng virus.

“Ang isa pong nakakabahalang nakikita natin would be our transport sector. Mukhang bumalik po tayo doon sa pre-pandemic kung saan beyond 100 percent capacity po ang nakikita natin sa mga sasakyan na pampubliko,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Kaya nananawagan ngayon ang DOH sa mga operators at tsuper ng mga ‘public utility vehicles (PUVs)’ na huwag lalagpas sa 100 percent na kapasidad habang nanawagan sa mga lokal na pamahalaan na mahigpit na ipatupad ito.

Ang mga lokal na pamahalaan ay may kapangyarihan na pamahalaan ang trapiko at pampublikong transportasyon sa kanilang nasasakupan at may responsibilidad rin sa paglaban sa pagkalat ng virus.

Matatandang ipinaalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga bus operators na mahigpit na ipinagbabawal ang ‘standing’ o tayuan ng mga pasahero at sabit sa mga jeep kahit maluwag na ang Alert level sa Metro Manila. (Jaymel Manuel)

Tags:

You May Also Like

Most Read