Siklista, nasagi ng SUV, tumilapon sa kalye

Nasugatan ang isang siklista matapos na tumilapon sa kalsada, nang masagi ng isang Sports Utility Vehicle (SUV), kamakalawa ng umaga sa eastbound lane ng Ramon Magsaysay Boulevard corner V.Mapa Street, sa Sta Mesa, Maynila.

Isinugod sa Our Lady of Lourdes Hospital ang biktimang si Diosdado Tagalog y Delatado, 23, ng 844 Int. 14, Domingo Santiago, Sampaloc, Maynila, habang isinasailalim naman sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang driver ng Lexus na may plakang NCO-1380 na si Gerwin Bryan Go y Ang, at taga 157 F Benitez St., San juan City.


Sa imbestigasyon ni PCpl Jhon Ceazar B Ancheta ng MDTEU,naganap ang insidente alas- 8:10 ng umaga sa nabanggit na lugar.

Binabagtas umano ng dalawa ang lugar nang aksidenteng masagi ang bisikletang minamaneho ng biktima at sa lakas ng impact ay tumilapon ito sa kalsada nang bumagsak ang biktima sa kanyang bisikleta.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in serious physical injury. (Jantzen Tan)


Tags: Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU)

You May Also Like

Most Read

Latest News