SIGALOT SA PDP-LABAN DEDESISYUNAN NG COMELEC SA KATAPUSAN NG BUWAN

NAKATAKDANG magpalabas ng desisyon ng Commission on Elections (Comelec) sa kung sino sa paksyon ng partidong PDP-Laban ang kikilalanin na lehitimo bago magtapos ang kasalukuyangb buwan.

Sinabi ni Commissioner George Garcia na inatasan na sila ni Chairman Saidamen Pangarungan sa nakaraang en banc meeting na pabilisin na ang pagpapalabas ng resolusyon sa kaso ng PDP-Laban.

“”I was really hoping that we will be able to resolve this controversy involving the intra-party dispute of this party before the end of March. We should be able to do that in order to raise any doubt,” ayon kay Garcia.


Hati ngayon ang PDP-Laban sa dalawang paksyon. Isa ay pinamumunuan nina Senador Aquilino “Koko” Pimentel III at Manny Pacquiao; habang ang isa ay pinamumunuan naman ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Kamakailan, naglabas ng desisyon ang Cusi wing na iniendorso ang kandidatura nina presidentiable Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ni Davao City Mayor Sara Duterte. Ito ay makaraang iatras ni Sen. Bong Go ang kaniyang kandidatura sa pagkapangulo ng bansa.

Una nang nagsampa ng petisyon si Cusi na humihiling sa Comelec na ideklara na iligal ang representasyon ng paksyon ni Pacquiao sa PDP-Laban.

Sinabi naman ni Garcia na hindi siya lalahok sa pagbuo ng resolusyon dahil sa pagiging dating abogado ng partido noong iisa pa lamang ito.


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like

Most Read