Agad na nasawi ang isang 58- anyos na lalaki matapos lumagok ng “Liquid Sosa” isang uri ng likidong ginagamit panlinis sa mga nakabarang bagay sa banyo at lababo, matapos maaburido dahil hindi malaman kung saan kukuha ng perang pambayad sa hospital bills ng kanyang ina.
Ayon sa pamangkin ng biktimang si Andy, sidecar boy, ng Sampaloc, Maynila, may narinig siyang kumalabog alas- 12:20 ng madaling araw at nang tignan ang pinagmulan ay nakita niya ang biktimang nanginginig at nahihirapan na huminga at namamaltos ang bibig.
Kaagad siyang tumawag ng mga kaanak at isinugod ang biktima sa ospital subalit patay na ito nang idating doon.
Batay sa imbestigasyon ni PSSg Charles Benson Dela Torre ng Manila Police District -homicide section, stressed na stressed umano,ang biktima dahil hindi nito alam kung saan kukuha ng pera pambayad sa hospital bills ng kanyang ina na aabot sa P100,000 habang naka-confine sa Mary Chiles Hospital dahil sa sakit na “Infected cellulitis”.