SA presscon ng Side A Band last November 15 para sa collaboration ng benefit concert nila ng Gen-Z singer na si Janine Tenoso, hindi maiwasang itanong ang kanilang original vocalist na si Joey Generoso.
Tumiwalag na sa grupo si Joey G pero may mga sitsit na pinagbabawal umano nito na kantahin ng grupo ang trademark song nila na Forevermore. Siya raw kasi ang nagsulat ng nasabing kanta.
Matagal na ring hindi naririnig ang Side A Band kaya natanong sila na if ever magkaroon ng reunion concert ang grupo, willing ba silang isama ang dati nilang vocalist na si Joey?
Mainit ang sagot ng isa sa original band member ng grupo na si Naldy: “Kung tungkol lang sa pera para magkaroon kami ng reunion, wag na lang!”
Mukhang malalim ang naging hidwaan ng grupo kay Joey G.
Yun na, ayaw pa talaga nilang makasama ang dating vocalist ng Side A.
Anyway, magkakaroon ng benefit concert ang Side A with Janine sa November 30 na gaganapin sa Theater of Solaire at 8 p.m.
Maganda naman ang reaksyon ng OG singers sa dalagang singer.
Anila, kaya raw nila kinuha ang singer dahil alam nila ang kakayahan ni Janine.
Description nga nila sa singer: “She’s pretty monster singer. Soulful ang pagkanta with rightful intent.”
Tabang-taba naman ang puso ni Janine sa mga papuri ng sikat na banda.
Ani Janine, dati raw ay naririnig lang niya ang mga kanta ng Side A.
“Ngayon hindi po ako makapaniwala na makakasama ko sila na pangarap ko lang po dati,” say nito.
May kakantahin si Janine na songs ng Side A, ang grupo ba ay gayundin, maririnig rin ba ang original songs ni Janine sa kanilang concert?
Sigurado yan kasi nakakatiyak kami na half of the audience ay Gen-Z.
Gusto nga rin daw nilang i-try ang kind of songs ng BINI at SB19.
Komento ng kanilang drummer: “Kilala ko ang drummer ng SB19, sobrang galing nun. Halimaw kumbaga.”
Ayan, tiyak na may pagbabagong magaganap sa BONDED BY SOUND ng SIDE A at Janine Tenoso benefit concert sa November 30.
Concertgoers can expect an evening filled with nostalgia, discovery and musical celebration, produced by Sonic Sphere Productions Inc.














