SIBAKAN SA ADUANA NAKA-AMBA, PUSLIT NA YOSI, BINEBENTA

By: Victor Baldemor Ruiz

Ito ang ginawang pagtiyak kahapon ni Bureau of Custom chief Commissioner Bienvenido Y Rubio oras na mag-positibo ang ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa napaulat na tangkang pagbebenta ng nasa mahigit P270 million halaga ng smuggled cigarettes kung saan hinihinalang may sangkot na taga- Aduana diumano.

“If reports are confirmed that some of the agency’s personnel were involved in the discovery of attempted resale of P270 million worth of seized contraband cigarettes from Capas, Tarlac, sabi pa ni Comm. Rubio.

Nabatid na kasalukuyang sinisiyasat ng NBI ang posibleng pagkakasangkot ng ilang kawani ng BOC sa nadiskubreng pagbebenta ng bulto-bultong smuggled cigarettes na nakumpiska ng Aduana kasunod ng isinagawang buy- bust operation.


Ayon kay Rubio, mananagot ang mga opisyal na mapapatunayang sangkot sa pagtatangkang ‘resale’ ng humigit-kumulang sa P270-M halaga ng mga smuggled cigarettes sa Capas, Tarlac.

“I already instructed the Intelligence Group’s Customs Intelligence and Investigation Service to look into this matter and report to me immediately. The NBI has our full cooperation and I promise that anyone found involved in this will be held accountable. Heads will roll,” ani Commissioner Rubio.


Pagtitiyak naman ng BOC, ang hakbang na ito ay isa lamang patunay na patuloy ang kanilang pagkontra sa smuggling at ilan pang iligal na aktibidad na may kaugnayan dito.

“We are one with the NBI and thank them in the fight against cigarette smuggling,” ani Rubio.


Samantala, noong nakaraang taon naman ay nasabat ng BOC ang higit P9.3-B halaga ng mga ilegal na sigarilyon na electronic cigarette o vape.

Tags: Bureau of Custom chief Commissioner Bienvenido Y Rubio

You May Also Like

Most Read