Shiela Guo, Chinese national, ayon sa NBI

By: JANTZEN ALVIN

Kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na Si Shiela Guo, kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, ay isang Chinese national.


Sa isang joint press conference na isinagawa nitong Biyernes, kasama sina Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco at Justice Assistant Secretary Mico Clavano, sinabi ni Santiago na lumitaw sa isinagawa nilang fingerprint analysis na si Shiela Guo at ang Chinese na si “Zhang Mier” ay iisa.

“There was a comparative fingerprint analysis between Shiela L Guo, ito ‘yung nasa amin, at isang Zhang Mier. Comparative fingerprint analysis shows Chinese Zhang Meir and Shiela L Guo are one and the same person,” paliwanag pa ni Santiago.

Dagdag pa niya, “We can conclude na si Shiela L Guo na nasa amin ngayon ay isang Chinese.”


Nakumpirma rin naman ng BI na si Shiela ay mayroon ring Chinese passport na nakapangalan kay Zhang Mier na valid hanggang 2031.

Sa iprinisinta namang mugshot ni Shiela, tinukoy na siya ng BI sa kanyang Chinese name na Zhang Mier.


Ayon sa BI, ipapa-deport nila si Shiela dahil sa misrepresentation at pagiging undesirable alien.


Tags: Shiela Guo

You May Also Like