FINALLY natupad din ang matagal nang inaasam ng fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na muling magsama ang dalawa at ito ay mangyayari sa nalalapit nilang concert.
Ang Insular Life ang producer ng kanilang concert na, “Dear Heart” na gagawin sa SM MOA Arena sa October 27 .
Ang pinakamahal na ticket na SVP ay nakapangalan sa “InLife Dear Heart.”
Marami ang naniniwala na siguradong unang maso-soldout ang section na ito kahit pinakamahal ang ticket worth P18,500.
Marami rin ang natuwa at naaliw sa nakaisip ng seating area sa MOA Arena ay ipangalan sa title ng mga pelikulang nagawa na nina Sharon at Gabby. Ang VIP (P14,500) ay tinawag na P.S.I Love You at ang Lower Box A (P7,500) ay Bingo Plus My Only Love. Ang Lower Box B (P5,500) ay tinawag na Tayong Dalawa. Ang Upper Box (P2,500) ay Una Kang Naging Akin at ang General Admission (P1,200) ay tinawag na Bakit Ikaw Pa Rin.
Makikita sa poster ng concert na una ang pangalan ni Gabby kay Sharon kaya may mga fans si Sharon na hindi nakatiis na mag-comment. Pero bago pa maging isyu ay may nag-comment na sa ticket ng concert ay pangalan naman ni Sharon ang nauna, kaya paniwala ng mga fans na yun ang napagkasunduan ng dalawang kampo.
May mga fans naman ang nakiusap na huwag nang gawan ng isyu ang tungkol sa billing at maging masaya na lang ang mga fans na finally ay natupad din ang matagal na nilang nire-request na magsama muli sina Sharon at Gabby kahit man lang sa isang event.
Siyempre nandoon pa rin ang pangarap ng mga fans na isusunod naman ng dalawa ang paggawa ng pelikula na matagal na rin nilang nire-request.
Wala pa nababanggit kung sino ang magiging director ng concert at tungkol sa guest. Kung magkakaroon ng guest, ang request ng kanilang mga fans ay si KC Concepcion ang maging guest para lubus-lubos na raw ang saya ng mga ShaGab fans.
Speaking of KC, may post ito sa kanyang Instagram tungkol sa human life. Ang post niya ay patungkol sa kanyang sarili.
“If you`ve been following me, you`d know that I`ve grown up in the public eye…And if you`re human like me, doesn`t life sometimes feel like one big circus?
“Ups and downs, twists and turns, a little bit dramatic, sometimes chaotic, but def (definitely) exciting and fun.
“Well, just give me ang boat, on a crystal blue lake, with a nice drink in hand and I`ll find my cool and calm.”
Kaya ang tanong ni KC: “What about you? What make YOU find your calm? How do you chill out when you need to? Take a nice, deep breath and share your relaxing hacks with us in the comments below.”
As expected dinagsa ng iba`t ibang reaksyon ang netizens ang kanyang post.














