NAG-POST si Sharon Cuneta ang 14th birthday ng bunso nilang anak na si Miguel.
Say niya sa caption: “Kahit may Cebu concert pa sa 17th, back to reality muna kayo mga anak! My son Miguel celebrated his 14th birthday with us on Oct. 29! A simple dinner at the place he wanted to go to.”
Hindi kumpleto ang anak ng Megastar.
Wala ang panganay niyang anak kay Gabi Concepcion na si KC at ang panganay nila ni Kiko na si Frankie.
“Missed our Kakie and KC but I am happy to have been able to be with my family between the MOA Arena and Okada Manila shows!”
Magmula raw ngayon hindi na siya magbibigay ng birthday message sa kanyang apat na anak kapag magbi-birthday sila kundi sa personal na lang dahil nagiging target daw ang mga ito ng trolls kapag dinaan niya sa social media.
“From now on, to avoid risking all four of my children’s feelings being targeted by trolls, even on their birthdays I will give them all my loving messages not on social media na but in personal notes na lang.”
Nakiusap din si Sharon na tigilan na ang “pananakit” sa kanyang pamilya.
“To those who find pleasure in hurting the feelings of my family members, please, tama na. Nananahimik kaming lahat and they don’t deserve any negativity. Thank you.”
“Happy birthday my Gugie. I love you very much.(P.S. Never ko sana nagawa ang shows namin ni Gabby without my husband and kids’ approval. They were the first to congratulate me after MOA! Malawak kasi isip ng pamilya namin sorry naman! Proud sila of me!)
” (P.P.S. Tanggap ko na habangbuhay hati ang katawan ko kasi naging 2 ang pamilya ko. Pero ako ang nahihiya sa mga anak ko kasi nadadamay sila just because I am their mommy…it hurts me. And pls i am not a ‘mamananggal!’ Please, kindly stop making my kids sabong or pinagaaway di naman sila mga manok. Ngek. Peace na please. Pis b widju en olso wid us.)”
Ang haba ng litanya ni Shawie, pero may punto naman.
Tama lang ang pakiusap niya na tigilan na ng bashers ang kanyang mga anak.