SHAINA, KINILIG NANG MAKAHARAP IN PERSON SI RICHARD GERE

By: Beth Gelena

Hindi maiwasang kiligin ang aktres na si Shaina Magdayao nang um-attend siya ng Cannes Festival at makita roon ang American actor na si Richard Gere.

Aniya sa caption: “Richard Gere (super kadooooper guaps), Paul Schrader and Uma Thurman for the grand premiere of Oh, Canada @festivaldecannes”


Very proud ang actress sa kanyang kasuotang Filipina dress na estilo ni @adrienneconcept at hinabi ni @russelmay.
Ang aktres na si Bela Padilla ay napakomento: “gorgeous girl”
Sinagot siya ng common friend nila ni Shaina.
“@bela you guys are equally beautiful, I still remember your bahay kubo days as bestfriend”
“Always stunning representing the Phils.”
Kaiba naman ang komento ng isang ito.
“Pag ito napasok sa Batang Quiapo tas magtambalan sila ni coco ang ganda talaga kahit ilang tao pa basta sila dalawa.”

Sa isang uploaded photo ng aktres, sinabi niyang hindi na siya naka-attend ng closing ceremony ng 77th Cannes Film Festival dahil kinakailangan na raw niyang bumalik ng Pinas dahil sa kanyang work.


Tags: shaina magdayao

You May Also Like

Most Read

Latest News