Latest News

SHABU KITCHEN LAB SA TABI NG DRUGSTORE, WINASAK

WINASAK ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katuwang ang PNP Drug Enforcement Unit at Bureau of Customs (BOC) ang nadiskubreng shabu laboratory katabi ng isang kilalang drug store sa kahabaan ng C3 road Caloocan City.

Sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva isang kitchen type /small scale laboratory na sinalakay ng kanilang mga tuhan katuwang ang PNP-NCRPO sa may C3 corner A. Mabini Street, Brgy. 23, Caloocan City bandang alas 6:30 kamakalawa ng hapon.

Ayon naman kay PMGEN Felipe Natividad, hepe ng National Capital Region Police Office ,base sa isinagawang imbestigasyon, inilunsad ang joint anti-illegal drug operation base sa mga nakalap na impormasyon ng PDEA.


Sa pahayag ng PDEA, kayang makagawa ng tatlo hanggang limang kilo ng shabu kada araw sa ganitong kalaking shabu lab.

Sa loob ng naturang lab ay natagpuan ang mga drug paraphernalia at mga finish product na liquid shabu na nasa loob ng refrigerator.

Hinala ng mga otoridad na may koneksyon ito sa nasabat na 231 kilo ng shabu sa Valenzuela City noong Martes.

Samantala, wala namang naaresto sa isinagawang operasyon.


Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng PDEA ukol dito. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read