SHABU, ITINAGO SA OVEN TOASTER, NAAMOY NG ASO, HULI

By: Victor Baldemor Ruiz

Matagumpay na nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Custom at Philippine Drug Enforcement Agency ang may 614 grams ng Shabu na itinago sa bread toaster nang maamoy ito ng aso mula sa PDEA k-9 UNIT.

Itinatayang may street value na P4.237 million ang naturang ilegal na droga na itinago sa loob ng dalawang stainless steel oven toaster.


Bago ito, na-tag na kahina-hinala ang naturang shipment matapos itong isalang sa X-ray Inspection Project ng mga tauhan ng ahensya, kaya agad na itong isinailalim sa K9 sniffing ng Philippine Drug Enforcement Agency K9 Unit at dito nga nakumpirma na mayroong presenay ng ipinagbabawal na droga sa loob ng bagahe.

Nagsagawa rin ng physical examination ang ilang tauhan ng Bureau of Custom kasama ang ilang kawani ng media, barangay officials at kinatawan mula sa Customs Anti-Illegal Drugs Task Force , Enforcement and Security Service, Customs Intelligence and Investigation Service, X-ray Inspection Project personnel at Philippine Drug Enforcement Agency .

Dinala ang mga nakuhang samples sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa isasagawang laboratory analysis, kung saan kinumpirma rin nito ang presensya ng methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu.


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency

You May Also Like