Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Anti Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD),ang isang lalaki matapos ireklamo ng sextortion ng kanyang kasintahan,kamakailan sa Quezon City.
Nahaharap sa Section 5 ng R.A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act); Simple Seduction; Robbery (Extortion); at R.A. 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009) sa Quezon City Prosecutors Office ,ang suspek na si Lester John Dayrit Ponce,nasa hustong edad at taga Cubao,Quezon City.
Nag-ugat ang pag-aresto kay Ponce matapos magreklamo ang biktimang si Lina,di tunay na pangalan sa ginawang paghingi ng P37,200 sa biktima kapalit nang hindi pagpapakalat ng kanilang sex video at mga hubad na larawan.
Noong Agosto 3,2023,nadiskubre ng mga magulang ng biktima ang insidente at inireklamo ito sa NBI matapos na magpadala ng sensitibong mensahe ,larawan at videos ang umano’y ex girlfriend ng suspek sa mga kaklase ng biktima at sa Website ng paaralan ng biktima.
Na hack umano ng ex girlfiend ang facebook ng suspek.
Muli umanong nakipag usap ang suspek sa biktima at inaya siyang makipagtalik kapalit nang hindi na nito pagpapakalat ng kanyang pribadong videos at larawan.
Noong Agosto 17,nakipag kasundo ang biktima sa suspek na makipagkita pero lingid sa kaalaman ng suspek ay kasama na nito ang mga ahente ng NBI kaya bago pa makapasok sa hotel ay inaresto na ang suspek.
Noong nasa tanggapan na ng NBI-AOTCD,inatasan ang biktima na tawagan ang sinasabing ex-girlfiend ng suspek at dito natuklasan ng NBI na ang suspek rin ang nasa likod ng account ng sinasabi na kanyang ex-girlfriend.