Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa posibilidad na tumaas ang bilang ng mga pasyenteng may severe at critical cases ng COVID-+19 sa Agosto dahil sa pagbaba na ng bisa ng bakuna.
“There is this projection that maybe by, it might happen, that by August, our hospitalizations will increase and there would be more severe and critical cases because of the waning immunity of the population,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa panayam ng ANC.
Pero sa kasalukuyan, sinabi ni Vergeire na ‘stable’ pa naman ang bilang ng mga pasyente na ang mga kaso ay severe at kritikal.
Ang dahilan nila sa pagbaba ng immunity ng publiko, ang mababang bilang ng mga nagpapa-booster shot.
Sa ngayon, nasa 14.56 milyon pa lamang ang nakatatanggap ng booster shot habang 557,000 ang naturukan ng ikalawang booster.
Dagdag na banta rin umano ang paglitawan ng mga mas nakakahawang Omicron variants lalo na sa mga ayaw pang magpa-booster.
“Therefore because of that, all of us who have received our primary series, the first and second dose, should receive the third booster shot,” giit ng opisyal. (Arsenio Tan)