BY: MARK ALFONSO
IDINEKLARA ng Malacañang ang Setyembre 11, 2023 bilang special non-working day sa buong Ilocos Norte upang ipagdiwang ang ika-106th taon ng kapanganakan ni dating Pangulong Edralin Marcos.
Ang deklarasyon ng pista opisyal ay nakaplaaad sa inilabas na Proclamation No. 327 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
“It is but fitting and proper that the people of Ilocos Norte be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration,” nakasaad sa proklamasyon.
Ito ay nangangahulugan na walang pasok sa mga pampublikong paaralan at tanggapan ng pamahalaan sa buong lalawigan.