Latest News

SETH BINIGYAN NG PAPER RING ANG ‘MISIS’ NA SI FRANCINE

By: Beth Gelena

MAY post si Francine Diaz sa kanyang Instagram, aniya: “Unlimited kulitan with Seth sa aking newest vlog on my #SimplyFrancine. Buti nga okay pa kami hanggang ngayon dahil sa dami ng moments namin.”

Pinanood namin ang nasabing vlog kung saan nagbakasyon kamakailan ang magla-loveteam sa US.

Nakatutuwang panoorin ang bardagulan ng FranSeth.

Panay ang hampas ng young actress kapag natutuwa sa mga simpleng joke ng young actor.

Nag-tour ang dalawa sa Universal Studios.

Masayang naglalakad ang FranSeth nang may madaanan silang ice cream vendor.

“What do you want?” tanong ng young actor sa dalaga at inilibre niya ito.

“Uy nilibre.ako ni Seth first time eto ah,” say ng dalaga.

Tanong ni Francine: “Kuya may sephora ba… may sephora ba?”

Sagot ng ng ice cream boy: “Sephora misis?”

“Miss,” pagkorek ng aktres.

Sa haba ng pag-iikot nila sa Hollywood Studios, inuhaw ang dalaga.

“Ang mahal ng bottled water 64 dollars, isa na lang bibilihin ko okey na ito,” say ni Francine.

Komento ng FranSeth fans ay kinilig sila to the max habang pinapanood ang vlog ng kanilang idolo.

“Yung nagshare talaga sila sa iisang bottled water ayiiee..tas yung pagbaba ni chin ng sunglass ni seth gosh kelerg to the max”

“Ung binaba ni chin ung glasses ni seth kasi alam niyang sensitive mata niya sa sun caring si chin pero hindi pabebe”

“Literally what’s mine is yours hindi ko kinakaya yung sharing by water”

“Hala yung last part na nasa airplane na at pauwi na sila may paper ring pa si misis chin doon ahhhiieee”

“Yung paper ring talaga suot p rin sa airplene ang sweet…”

“Nasa finger ni chin yung ginawa paper ring ni seth nakita ko sa end”

“Yung paper ang engagement ring nila sa last”

“Kinilig ako ah tinawag ni seth si chin na misis”

Tanong naman ng isang faney:

“Fran ube diaz fedelin na ba seth sephora misis?”

“Stay strong and stay ur relationship strong and trust and genuine love.”

“Akala ko emenlang ung paper ring pero bakit suot pa rin hanggang pag-uwi chin?”

Tags:

You May Also Like

Most Read