SERYE NG PAGPAPASABOG NG CTG SA MASBATE, NAGDULOT NG PINSALA AT TAKOT SA KOMUNIDAD

Camp Elias Angeles, San Jose, Pili, Camarines Sur – Galit at puot ang nararamdaman ngayon ng mga residente sa magkakasunod na pag-atake ng Communist Terrorist Group (CTG) gamit ang ipinagbabawal na anti-personnel mines (APMs) sa probinsya ng Masbate nitong Marso 22.

Ito’y kasunod ng naitalang magkahiwalay na engkwentrong sa nasabing lalawigan, una rito ay sa Barangay Locso-on, Placer, kung saan dalawang sundalo ang nasugatan habang isang M16 rifle at tatlong magazine ang narekober ng tropa ng pamahalaan matapos ang pangyayari.


Kasunod nito, ay dalawang pulis rin ang nasugatan sa Barangay Gaid sa bayan ng Dimasalang matapos na pasabugan ng teroristang grupo.

Kaugnay nito, maraming sibilyan sa komunidad ang labis na naapektuhan ng pangyayari lalo pa’t nagdala ito ng takot at trauma sa mga guro at mag-aaral.

Ayon kay Major General Adonis Bajao, Commander ng 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army at Joint Task Force Bicolandia, hindi na makatarungan ang ginagawa ng CTG dahil wala na silang pinipiling lugar sa paghahasik ng karahasan at wala na ring pakialam kung sino ang madadamay sa kanilang walang pakundangang pagpapasabog na malinaw na paglabag sa International Humanitarian Law (IHL).


Kaugnay nito, muli naman nagpa-alala ang Heneral sa publiko na mas maging maingat at mapagmatyag sa kapaligiran at agad na magbigay impormasyon sa kinauukulan ukol sa mga kaduda dudang kilos sa kanilang lugar. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Communist Terrorist Group (CTG)

You May Also Like

Most Read