SERMON NI FR. DOUGLAS BADONG, SWAK SA MAYNILA

By: Jerry S. Tan

Sa kanyang sermon nitong nakalipas na Linggo, binanggit ni Rev. Fr. Douglas Badong ang naganap awayan sa Manila City Hall, na ang tinutukoy ay ang nabigong pagharang ng mga minority councilors sa pagpasa ng 2025 budget.

Hindi ko ikukuwento kung ano ang mga sinabi ni Fr. Badong. Nais kong i-share sa inyo ang eksaktong mga sinabi niya. ‘Yung mga salitang mismong nanggaling sa kanyang bibig. Hindi buong sermon kundi ‘yaon lamang mga bahagi na sa tingin ko ay magandang namnamin lalo na ng mga taga-Maynila.

Binatikos niya ang pag-iisip na “hindi siya kapartido kaya pagbawalan natin yan kasi ang credit dapat mapunta lang sa atin”


Ani Fr. Badong: “… hayaan nyo, ‘wag n’yo pagbawalan. ‘Yung mga gumagawa ng masama di natin pinagbabawalan pero ‘yung nagawa ng maganda, ng mabuti, pinipigilan natin, dahil naaagawan tayo ng atensyon…dahil nababawasan tayo ng followers, nababawasan tayo ng papuri na dapat tayo lang.. putulin na natin ‘yung ganyang pag-uugali. Hindi makakabuti at di nakakatulong sa atin…pag me ganyang pagu-ugali, wala talaga tayong kapanatagan nyan eh.

Kung gusto mo gumawa ng mabuti , eh di gumawa ka. Gusto mo gumawa ng mabuti rin edi sige, sa laki ng mundo, di mo kakayanin mag-isa. Kaya nga pinagkaloob ng Diyos ang biyaya sa bawat isa… nagpapagalingan nagkokontrahan. ‘Ay, ‘wag. Di natin project yan, project ‘yan niya at di natin kapartido. ‘Wag natin suportahan ‘yan.

“Pag ganyan pagu-ugali, walang patutunguhang maganda. Baka lahat tayo, tuloy sa impyerno kung saan di namamatay ang apoy.

Dun naman tayo sa mga tao na kung ano lumalabas sa bibig natin… kasi ‘yan ang isang nakakasira… maayos naman sana kaya lang sa panunulsol mo, sa mga lumalabas sa bibig mo, ‘yan nagugulo tuloy. Sabihin nyo nga sa katabi n’yo, putulin na natin yang dila mo?’


Minsan po ‘yung manner, the way na din-deliver mo at sinasabi mo ‘yung mga salita, may impact ‘yan dun sa tao, lalo na kung ‘yung sasabihan mo ay immature pa… nagkakasala tayo at nadadala natin sa pagkakasala ang iba. Nandadamay ka pa eh. Tsk tsk tsk. Hinay-hinay lang di mo kalaban ‘yan ha, wala kang kalaban. Kadalasan naman, ang kalaban lang natin ay ang sarili lang natin. Maging secure ka rin sa sarili mo kasi pag di ka secure sa sarili mo, threat lahat ng tao sa paligid mo…kung magre-react tayo na oo nga no? Dapat tayo lang, napaka-immature pa nating lider.

Kung ikinalulungkot mo na me nakakagawa din ng mabuti, ng maganda, kung paano kang mag-respond o magreact…ano, ikaw lang ang magaling? Dapat naiintindihan natin na nagkaron na tayo ng pagkakataon para gumawa ng maganda, gumawa ng mabuti… ngayon, lilipas tayo, may darating at may darating na MAS MAKAPAL ANG KILAY kesa sa kilay mo ngayon…

kung paiiralin mo na di ka makapag-give way, di ka makapagbigay at di mo makuha-kuhang maging masaya na meron na talagang mga bago na gumagawa din ng mga ginagawa mo, nakapa-immature pa natin…kailangan na din nating putulin ang pagiging immature.

Kung may gumagawa ng mabuti katulad mo, magpasalamat ka sa Diyos. Kung ikaw ay nakakagawa ng hindi mabuti, putulin mo na hanggat may oras pa.”


Malinaw ang mensahe ni Fr. Badong. Agree ako dito.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.

Tags: double tap, jerry s. tan

You May Also Like

Most Read