Natagpuang walang buhay ng kanyang anak ang isang 74-anyos na Chinese translator sa loob ng kanyang kuwarto, kahapon ng madaling araw sa Juan Luna St Binondo, Maynila.
Ang biktima ay kinilala ni PCMS Niño Baladjay, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, na si Ching Tee Sinfuego, ng Rm 2B-1CK Building na matatagpuan sa 750 Juan Luna St Binondo, Maynila.
Sinabi ng anak ng biktima na si Kelbert Sinfuego nayon kay Kelbertna may hypertension at ‘generalized tonic at clonic seizure ‘ ang biktima.
Alas- 2:10 umano ng madaling araw nang madiskubre niyang patay na ang ama nang dalhan niya ito ng iniinom na gamot sa kanyang kwarto..
Itinawag niya ito kaagad sa sa Juan Luna Police Community Precinct na siya namang tumawag sa MPD-hs.