“September 21, 2025 should be the last day of corruption in the government.”
Ito ang inihayag ni Sen. Erwin Tulfo kasabay ng payo sa mga opisyal ng pamahalaan at mga kontraktor na isauli sa taumbayan ang perang nakuha nila mula sa mga maanomalyang flood control projects.
“Loud and clear!!! Kailangang ayusin naming lahat ang trabaho namin sa gobyerno at iwasang mahulog sa korapsyon,” ani Tulfo nang hingan ng reksyon sa malawakang anti-corruption rallies noong LInggo na ginanap sa Luneta sa Maynila at sa People Power Monument sa EDSA, Quezon City.
Dagdag pa niya: “They (people) are watching and they are tired of corruption. Mensahe ng sambayanan ito sa gobyerno na shape up or we will take control.”
Libo-libo ang dumalo sa nasabing protesta sa Maynila at Quezon City upang batikusin ang pagnanakaw ng pera ng bayan sa pamamagitan ng mga ghost at substandard flood control projects.
“Parang hinoldap o dinukutan nila ang pobreng si Juan para mabili lamang ang luho nila”, ayon kay Tulfo.














