Latest News

Sentenaryo sa Pangasinan, nakatanggap ng booster sa Bayanihan 4

ISANG sentenaryo mula sa Barangay Bolaoit ang naging pinakamatandang recipient ng COVID-19 booster shot sa idinaos na 4th Bayanihan, Bakunahan National Vaccination Drive sa Malasiqui, Pangasinan mula Marso 10-12, 2022.

Personal na binisita ng COVID vaccination team sa pangunguna ng DOH-Ilocos Region at mga miyembro ng Rural Health Unit ng Malasiqui si G. Claudio M. Miranda sa kanyang tahanan upang maturukan ito ng Pfizer bilang booster shot at makumpleto ang kanyang bakuna laban sa COVID-19.

Nabatid na si Miranda ay nagdiwang ng kanyang ika-100 kaarawan noong Nobyembre 1, 2021.


Natanggap niya ang unang dose ng kanyang Sinovac vaccine noong Hunyo 2020 habang Hulyo 2021 naman nang maiturok ang second dose nito.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni Miranda ang lahat ng senior citizen na magpabakuna na upang maproteksiyunan sila laban sa nakamamatay na virus.

“Sana po lahat ay mabakunahan nyo para lahat kaming matatanda na ay maproteksiyonan at humaba pa ang mga buhay at mabuhay ng malusog at malayo sa sakit,” pahayag pa ni Miranda. (ANDOY RAPSING)


Tags:

You May Also Like

Most Read