By: MARK ALFONSO
HINDI na kailangang maghintay hanggang umabot sa isang daang taong gulang ang mga senior citizens bago makatanggap ng P100,000 mula sa gobyerno.
Ito ay makaraang aprubahanng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong palawakin ang saklaw ng Centenarians Act of 2016 sa pamamagitan ng pamamahagi ng P100,000 cash gift nang mas maaga sa mga senior citizen na may edad 80, 90 at 100.
Sa ilalim ng Senate Bill No. (SBN) 2028 o Expanding the Coverage of the Centenarians Act, ang mga Filipino senior citizens na naninirahan sa Pilipinas o sa ibang bansa ay dapat bigyan ng P10,000 kapag umabot sa 80 and edad, P20,000 kapag umabot sa 90-anyos at P100,000 kapag umabot sa 100 taong gulang.
Ang panukalang batas ay ini-sponsor ni Sen. Imee Marcos at ipinakilala ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.
Tinukoy ni Marcos na ang life expectancy umano ng mga Pilipino ay 79 taong gulang para sa mga lalaki at 83 taong gulang para sa mga kababaihan.
Sinabi ni Marcos na binanggit ni Pimentel na maraming Pilipino ang hindi umabot sa edad na 100 at hindi natatamasa ang “mga benepisyo at pribilehiyo ng mga centenarian na nagbibigay ng P100,000 cash sa bawat Filipino centenarian.”
“The rising cost of living and healthcare expenses has made it very difficult for our senior citizens to afford basic necessities…it is hoped that more of our elderly population may be able to benefit from the Centenarians Act and that they may be inspired to further prolong and enjoy their lives even beyond a century,” paliwanag ni Marcos.
Iminumungkahi rin sa panukalang batas na ang mga nakasaad na halaga ay iakma para sa inflation pagkatapos ng isang taon mula sa bisa ng batas. Ang pagsasaayos, na tutukuyin ng National Economic and Development Authority, ay ibabatay sa average na taunang inflation sa naunang tatlong taon.
“Under the bill, the Philippine Statistics Authority, in coordination with the Departments of Interior and Local Government, Information and Communications Technology and the local government units, shall establish a data management system recording relevant information of individuals covered by the Act,” aniya.
Sa ilalim din ng panukalang batas, ang Philippine Statistics Authority, sa pakikipag-ugnayan sa Departments of Interior and Local Government, Information and Communications Technology at mga local government units, ay magtatatag ng isang data management system na magtatala ng mga impormasyon ng mga indibidwal na sakop ng batas.