Latest News

Senior citizen, tumalon sa roof deck, patay

Patay ang isang 62-anyos na senior citizen matapos na tumalon kahapon ng umaga sa roof deck ng ika-limang palapag ng isang gusali sa Permanent Housing sa Tondo, Maynila. Iniimbestigahan ng pulisya ang motibo kung bakit nagpakamatay ang biktima.

Kinilala ni PSMS Jayson Ibasco,ng Manila Police District -homicide section ang biktimang si Jerimias Bajar,nakatira sa Bldg 26 Unit 513 Permanent Housing ,Brgy 128 Tondo, Manila.

Nangyari umano ang insidente alas-5:20 ng umaga nang biglang nagtatakbo sa roof eck ang biktima at saka tumalon.

Ayon kay Michelle Gloriane, kapatid ng biktima,nakita niya na nakaupo ang biktima bago ito nag atakbo sa roof deck at saka tumalon.

Naisugod pa ang biktima sa Tondo Medical Center pero hindi na ito naisalba.

Tags:

You May Also Like

Most Read