Nasawi ang isang isang 60-anyos na lalaki matapos hindi makalabas sa kanyang bahay sa naganap na sunog sa isang residential area,kahapon ng madaling araw sa may V. Mapa Street, Sta. Mesa,Maynila.
Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection, hindi pa nakikilala ang.matandang lalaki na hindi nagawang makalabas ng bahay nang sumiklab ang sunig alas 4:45 ng umaga sa V. Mapa Street.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fire -out ng BFP alas 5:53 ng umaga.
Nabatid na marami sa mga residente ang hindi nakapagsalba ng mga kagamitan dahil sa pagkabigla at mabilis na.pagkalat ng apoy
Itinataya ng BFP na umabot sa P500,000 ang napinsalang ari-arian sa naganap na sunog.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng Arsin Division sa sanhi ng sunog. (Philip Reyes)














