NASAWI ang isang senior citizen matapos na mabangga ng isang rider na call center agent, habang ito ay tumatawid sa harap ng Sta.Ana Hospital, Linggo ng gabi sa westbound lane ng New Panaderos sa Sta. Ana, Maynila.
Ayon kay PMajor Jaime Gonzales,hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit-Vehicle Traffic Investigation Section (MDTEU-VTIS), nasawi ang biktimang si Dennis Bisco,69, ng No. 1700 M. Obrero St., Barangay 898, Punta Sta. Ana, Maynila dahil sa matinding pinsala sa ulo.
Sugatan din ang rider ng Yamaha Aerox na may plate number 328 XGT na si. Jiohan Co, 21, ng No. 12 Windsor St., East Side Manor Barangay Maybunga, Pasig City at ang backride nito na si Claire Ann Diga, 22, intern medtech, ng Sinaliw Malaki, Alfonso Cavite .
Sa imbestigasyon ng MDTEU– VTIS, naganap ang insidente alas -10 ng gabi sa nabanggit na lugar.
Binabagtas umano ni Bisco ang westbound lane ng New Panaderos, Sta Ana, Maynila nang pagsapit sa harap ng Sta. Ana Hospital ay mabangga nito ang tumatawid na biktima .
Sa lakas ng impact ay tumilapon ang biktima, gayundin si Bisco at backrider na si Diga.
Namatay noon din ang biktima habang isinugod sa katapat na pagamutan sina Bisco at Diga.
Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si Bisco sa Manila Prosecutor’s Office.














