Agad na namatay ang isang matandang lalaki matapos mabangga ng isang rider, habang tunatawid kamakalawa ng gabi sa eastbound lane ng Capulong Road, Tondo, Maynila
Di na naisalba ng mga doktor sa Tondo General Hospital ang biktimang si Benjamin Nido,65, habang inilipat naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang rider na si Marky Dustine Fulinara at backride nito na so Jeffrey Pilapil.
Ayon kay PMaj Jaime Gonzales, chief ng Manila District Traffic Enforcement Unit- Vehicle Traffic Investigation Section (MDTEU-VTIS),naganap ang insidente alas- 6:37 ng gabi sa naturang lugar.
Binabagtas umano ng suspek ang naturang lugar nang biglang tumawid ang biktima at mabangga ng motorsiklo.
Dahil salakas ng impact ay kapwa tumilapon ang biktima at rider pati backride nito, dahilan para isugod sila spinakamalapit na ospital.














