Senior Citizen na ‘wanted’ sa pagpatay sa Capiz, arestado sa MPD

By: Baby Cuevas

Isang senior citizen na ‘wanted’ sa kasong murder ang arestado sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 11 at PRO 6 Mambusao Police kahapon ng madaling araw sa Fin-Homes Subdivision, Dao Street, Cainta, Rizal.

Batay sa ulat ni PLTCol. Roberto Mupas, station commander ng MPD-PS 11, pansamantalang naka-detine sa kanilang istasyon,ang suspek na si Nelson Laurilla, 69, ng Barangay Batiano, Mambusao, Capiz, Western Visayas, matapos na ito ay maaresto pasado alas-2 ng madaling araw.

Ang pag-aresto ay batay sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Rommel Lacson ng RTC Branch 21, Sixth Judicial Region, Mambusao, Capiz na may petsang Disyembre 16, 2024.


Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na nakatakdang dalhin sa court of origin ngayong Lunes para sa kaukulang aksyon ukol sa kanyang kaso.


Tags: Manila Police District-Police Station 11

You May Also Like

Most Read