Latest News

SENIOR CITIZEN NA PAULIT-ULIT GUMAHASA SA MENOR NA STEPDAUGHTER, ARESTADO

By: Baby Cuevas

ARESTADO ang isang senior citizen na paulit-ulit umanong na gumahasa sa kanyang 14- anyos na stepdaughter sa loob ng tatlong taon sa Baseco ,Maynila.

Mariing itinanggi ng suspek ang reklamo ng biktima ngunit ayon kay P PLtCol. Emmanuel Gomez ng Manila Police District-Police Station 13, hindi makapagsumbong ang biktima dahil pinagbabantaan umano siyang papatayin at ang kanyang kapatid at hindi na susuportahan ang ang kanyang pag-aaral.

Napag-alaman na tatlong beses kada buwan kung gahasain ng suspek ang biktima.


Nadiskubre ang panggagahasa ng suspek sa biktima nang mapansin ng kanyang guro ang pagliban nito sa klase ng isang linggo hanggang sa nagsumbong ito sa guro.

Nakipagtulungan ang guro sa Department of Social Welfare and Development matapos ikuwento ng biktima sa kanya ang umano’y panggagahasa ng amain.


Sinamahan ang biktima sa MPD-PS13 at kaagad na inaresto ang suspek.

Nasa pangangalaga na ng kanyang ama ang biktima at sumasailalim sa psychosocial intervention.


Tags: Manila Police District - Police Station 13

You May Also Like

Most Read