Senior citizen, apat na araw nang patay nang matagpuan

Apat na araw nang patay ang Isang senior citizen nang matagpuan ito sa loob ng kanyang kuwarto sa Sampaloc,Maynila ng mga kaanak.

Ang biktima ay kinilala niPCpl Gary Reyes,ng Manila Police District -homicide section na si Simfronio Dizon,68, ng 616 C Aranga St.Sampaloc,Maynila.

Sinabi ng puilisya na huling nakitang buhay ang biktima noong Marso 24 nang bumili ito ng pagkain at mula noon ay hindi na lumabas ng kanyang bahay.


Dahil sa masangsang na amoy mula sa bahay ng biktima ay humingi siya ng tulong ang nakatira malapit sa biktima para mabuksan ang bahay nito.

Isa umanong residente ang inutusan ng kapitan ng barangay na umakyat sa bintana sa ikalawang palapag para makapasok sa bahay ng biktima at doon na nakita ang biktima na nakahiga sa kanyang kama at wala nang buhay.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, ito ay may diabetes,hypertension at iba pang sakit. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read